Nyelvröl forditàs: Tagalog
Ang Ate mo, isa pala siyang traidor. Tama ang sabi sa akin ng mga kasamahan ko sa bahay, hindi ko kilala ang anak ko. Dahil sa ilang taon na walang pagsasama sa bahay ay hndi ko kabisado ang mga ugali Nya. Nagselos siya sa babaeng ibang lahi na kasamahan ko sa Office sa paghatid ko sa kanya sa Airport. Iniisip niyang may relasyon kami. Kaya pala hindi na siya nag kikibo noon at may balak na siya. Hindi muna niya inisip ang magiging bunga niyaon, lalo na at may sakit ang Mama Niya. Parang wala siyang pinag aralan. Nawala na lahat ang pagmamahal at tiwala ko sa kanya, pasalamat na lang ako at nakatapos siya. Ibinigay ko naman sa kanya lahat ng suporta ko lalo na financial. Maalis mo sa akin ang hindi makipagkaibigan maging sa ibang babae?. Kung na-involved man ako sa ibang babae, masisisi mo ba ako? Pinabayaan ko ba kayo? Sumablay ba ako sa pagpapadala sa inyo?. Kung nambabae ako makakaipon ba ako ng pera sa bank account natin? Kung may babae ako mabibili ko ba ang mga lupang naipundar natin diyan sa Tarlac? Kung may babae ako masusunod ko bang lahat ang luho ninyo?SANA TINGNAN NYO MUNA ANG LAHAT NG ANGGULO BAGO KAYO MAG HUSGA SA AKIN!! Sana ma-iprint mo ito at ipabasa mo sa Mama mo. Saka ninyo ako makausap kapag kalmante na si Mama mo at NORMAL NA RIN ANG PRISYON KO!!